Asahan ang mga kalat-kalat na pag-ulan ngayong Linggo sa Palawan at Visayas dahil sa shear line.

Ang katamtaman hanggang paminsan-minsan na malalakas na pag-ulan ay maaaring magdulot ng flash floods o pagguho ng lupa.

Ang Caraga, Davao Region, Zamboanga Peninsula, Sarangani, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat dahil sa easterlies.

Ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Aurora, at Quezon ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan dulot ng Northeast Monsoon (Amihan). Pinayuhan ang mga residente na maging alerto sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa na maaaring idulot ng katamtaman hanggang paminsang malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila naman at sa natitirang bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga hiwalay na mahinang pag-ulan dahil sa Amihan, ngunit walang inaasahang malaking epekto.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, ang natitirang bahagi ng Mindanao ay maaaring magkaroon ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga nakahiwalay na pag-ulan o pagkulog-pagkidlat dahil sa mga easterlies. Maaaring magresulta ng mga flash flood o pagguho ng lupa ang malalakas na pag-ulan.

Ang mga baybaying dagat ay magiging maalon sa hilaga at silangang bahagi ng Luzon, at katamtaman hanggang maalon sa natitirang bahagi ng Luzon at silangang bahagi ng Visayas.

Sumikat ang araw ganap na 6:16 ng umaga habang ang paglubog nito ay 6:03 ng gabi.