Makulimlim at may mga pag-ulan pa rin sa hilagang bahagi ng bansa dahil sa amihan at shear line at sa gitna at katimugang bahagi dahil sa ITCZ. Inaasahang magpapatuloy ang ganitong sitwasyon hanggang sa susunod na linggo.
Ang ๐๐ก๐ง๐๐ฅ๐ง๐ฅ๐ข๐ฃ๐๐๐๐ ๐๐ข๐ก๐ฉ๐๐ฅ๐๐๐ก๐๐ ๐ญ๐ข๐ก๐ (๐๐ง๐๐ญ)) o pagsasalubong ng hangin mula sa northern at southern hemisphere ay nakakaapekto muli sa katimugang bahagi ng bansa.
Makulimlim na papawirin na may pabugsu-bugsong mahihina hanggang sa malalakas na mga pag-ulan sa Visayas, Caraga, Davao Region, Zamboanga Peninsula, Bicol Region, at MIMAROPA. Posible ring maapektuhan ang mga karatig na lugar.
Ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay makakaranas ng halos maulap hanggang sa makulimlim na papawirin at paminsan-minsang mga pag-ulan na inaasahang huhupa na sa mga susunod na oras.
Ang ๐ฆ๐๐๐๐ฅ ๐๐๐ก๐ o lugar kung saan nagtatagpo ang malamig na amihan at ang easterlies ang nagpapaulan sa hilagang silangang bahagi ng Luzon.
Makulimlim na papawirin na may pabugsu-bugsong mahihina hanggang sa minsang matitinding mga pag-ulan ang inaasahan sa mainland Cagayan, Apayao, Isabela, Aurora, at Quezon. Posible ring maapektuhan ang mga karatig na lugar.
Ang malamig na ๐๐ ๐๐๐๐ก (๐ก๐ข๐ฅ๐ง๐๐๐๐ฆ๐ง ๐ ๐ข๐ก๐ฆ๐ข๐ข๐ก) ay bahagyang humina at nakakaapekto na lamang sa Northern Luzon.
Inaasahang muling lalakas ang amihan sa mga susunod na araw at makakaapekto sa halos buong Luzon.
Makulimlim, mahangin, at may mahihina hanggang sa minsang katamtamang mga pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands.
Ang nalalabing bahagi ng Luzon, kasama ang Metro Manila, ay makakaranas ng halos maulap hanggang sa makulimlim na papawirin at paminsan-minsang mga pag-ulan.
๐ช๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ด๐๐ผ na posibleng direktang makaapekto sa bansa hanggang sa katapusan ng 2024.