Kinumpirma ni Shiela Guo sa Senado na natakasan niya kasama ang kanyang mga kapatid na sina dismissed Bamban Mayor Alice Guo at Wasley Guo ang mga otoridad sa pamamagitan ng isang puting bangka.

Sinabi ni Shiela sa pagdinig ng subcommittee on justice and human rights hearing sa Tagalog na sumakay sila ng bangka sa dagat.

Ayon sa kanya, hindi niya alam kung saang lugar sila sumakay ng bangka.

Ayon naman kay Senator Ronald dela Rosa na umalis ng bansa ang mga Guos na hindi dumaan sa immigration.

Sinabi ni Shiela na galing sila sa kanilang bahay at may sumundo sa kanila na isang van.

-- ADVERTISEMENT --

Idinagdag pa ni Shiela na hindi niya alam kung saan sila ng sasakyan, subalit bumiyahe sila ng limang oras bago nakarating sa port ng halos hatinggabi na.

Sinabi ni Shiela na tatlo silang magkakapatid na sakay ng van.

Dahil dito, sinabi ni Senator Risa Hontiveros na posibleng dinala sila sa Pangasinan, subalit itinanggi ito ni Shiela.

Ayon kay Shiela, na mas malayo sa Manila at hindi sa Pangasinan sila dinala ng van dahil alam niya ang Pangasinan.

Sinabi ni Shiela na mula sa maliit na bangka ay lumipat sila sa mas malaking fishing ship at sumunod ay lumipat sila sa kulay asul o berde na bangka papuntang Malaysia.