Nakatakdang maging susunod na pangulo ng Mexico ang frontrunner na si Claudia Sheinbaum, batay sa inisyal na resulta ng halalan sa nasabing bansa.
Batay sa pagtaya, ang 61-year-oldna dating mayor ng Mexico City ay nanalo ng 56% sa halalan, kung saan tinalo niya ang kanyang pangunahing katunggali na si Xóchitl Gálvez na isang negosyante.
Idineklara na ng Morena party ni Shienbaum ang kanilang panalo, subalit nanawagan si Gálvez sa kanyang mga supporters na hintayin ang official results na inaasahan na ilalabas anomang oras mula ngayon.
Si Sheinbaum, isang scientist na nagsilbing mayor ng Mexico City noong 2018-2023 ay sinuportahan ni outgoing president Andres Manuel Lopez Obrador.
Una rito, nabahiran ng karahasan at mga bayolenteng pag-atake ang panahon ng pangangampanya sa Mexico, hindi lamang para sa presidente kundi maging sa kongreso at governors sa walong estados ng bansa.
Ayon sa pamahalaan, mahigit 20 kandidato ang pinatay, bagamat sa isang private survey ay umabot ang kanilang bilang sa 37.
Ayon sa mga opisyal, dalawang katao ang iniulat na namatay sa dalawang pag-atake sa polling stations sa estados ng Puebla.