TUGUEGARAO CITY- Magsisimula ang pagpapatupad ng Short Term Member Loan Penalty Condonation Program ng Social Security System o SSS sa November 15, 2021 na magtatagal ng tatlong buwan.
Sinabi ni Janet Canilas, branch manager ng SSS Tuguegarao na ang saklaw na loans dito ay ang salary, salary early renewal, calamity, emergency at dating restructured loan noon pang 2016.
Ipinaliwanag ni Canilas na ang mga maaaring mag-apply para sa condonation ng mga hindi nababayarang loans ay ang mga may anim na buwan na arriers at ang mga matagal ng hindi nakakapagbayad ng kanilang mga loans ng ilang taon na.
Ayon sa kanya, nasa desisyon na ng miembro ng SSS na mag-aapply para sa condonation ng loan kung full payment o installment ang kanyang gagawing pagbabayad.
Para sa full payment, kailangan na bayaran ang loan sa loob ng 30 araw subalit kung hindi ito nagawa ay maaari naman itong pumasok sa installment na babayaran sa loob ng tatlong buwan.
Sa mga magbabayad naman ng installment, kailangan na magbigay ng downpayment na 50 percent ng consolidated loan and interest at ang natitirang 50 percent ay babayaran sa loob ng anim na buwan.