Ipinahiwatig ng Department of Agriculture (DA) na posibleng magkaroon ng shortage sa suplay ng itlog sa loob ng dalawang buwan dahil sa nakaranas ng pagkalugi ang local producers dahil sa sobrang suplay at mas mababang presyo nitong nakalipas na taon.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nakakalungkot dahil sa kanilang pagtaya, magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng itlog sa buwan ng Abril.
Ayon kay Tiu Laurel, kinailangan ng mga nalugi na local producers na katayin ang mga nangingitlog na mga inahing manok upang magkaroon ng cash.
Sinabi niya na ito ang dahilan kaya nagkaroon ng malaking pagbaba sa populasyon ng mga nangingitlog na inahing manok, at makakaapekto sa suplay sa susunod na mga buwan.
Ayon sa kalihim, kailangan ng local poultry raisers ang hatching eggs dahil ang demand sa nasabing commodity ay tumataas.
Gayuman, umaasa siya na may pagkakataon pa upang matugunan ang nasaing problema dahil sa Pebrero pa lamang ngayon.
Kasabay nito, nanawagan siya sa financial institutions tulad ng Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines na magbigay ng pondo para suportahan ang gagawing repopulation ng mga manok.