TUGUEGARAO CITY- Tinawag ni dating Magdalo Representative Gary Alejano na propaganda ang shotgun approach ng Duterte administration na muling arestuhin ang mga nakalayang preso sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance Law.

Sinabi ni Alejano ang mga dapat na huliin ay ang mga nakalaya sa dahil sa anomalya o nakinabang sa sinasabing GCTA for sale.

Ayon sa kanya, unfair naman ito sa mga preso na nakalaya sa ilalim ng nasabing batas na sumunod sa tamang proseso.

ang tinig ni Alejano

Kaugnay nito, sinabi ni Alejano na dapat na masusing pag-aralan ang GCTA Law at kung kinakailangan ay amiendahan ito para maitama ang mga mali at nang hindi na maulit sa hinaharap ang kontrobersya sa pagpapalaya sa ilang convicts na may kasong heinous crimes.

Ayon kay Alejano dapat na maging malinaw sa amienda sa batas ang computation ng GCTA, sino ang otorisado na pipirma sa release order at kung sino ang saklaw ng nasabing batas.

-- ADVERTISEMENT --
ang tinig ni Alejano

Sinabi pa ni Alejano na sang-ayon siya sa pagsibak ni Pangulong Duterte kay Bureau of Corrections Director General Nicanor Faeldon matapos na mabunyag ang kontrobersiya sa muntikan nang paglaya ni Antonio Sanchez na may kasong rape at murder at ang paglaya ng iba pang bilanggo na hinatulan dahil sa karumal-dumal na krimen.

Ayon sa kanya, marami ang nakalaya sa sa ilalim ng GCTA Law sa ilalim sa administrasyong Duterte at ni Faeldon.

Sinabi niya na kung may mapatunayan na sangkot sa umano’y anomalya sa pagpapatupad ng GCTA Law ay dapat na mapanagot.

muli si Alejano