Ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO) si Boy Kayak, isang vlogger mula Aklan, matapos mag-viral ang kanyang video na nakasuot lamang ng brief at crop top habang nagmo-motorsiklo sa national road at gumagawa pa ng “Superman” pose.
Sa inilabas na show cause order ng LTO, ito ay isang kaso ng reckless driving na maaaring magdulot ng panganib sa iba pang motorista.
Nadiskubre rin ng ahensiya na wala siyang valid na driver’s license, dahilan upang patawan siya ng multang ₱3,000 at harapin ang posibilidad na hindi na siya kailanman mabigyan ng lisensiya.
Sa kabila ng kontrobersiya, inamin ni Boy Kayak na wala talaga siyang lisensiya at ginawa lang umano niya ang stunts upang magbigay-aliw sa kanyang audience.
Tinatanggap daw niya ang mga batikos at desisyon ng LTO, at itinuturing niya ang insidente bilang isang mahalagang leksyon.