Maglalabas ang Senate Blue Ribbon Committee ng show-cause orders laban kay dating congressman Zaldy Co at sa umano’y security aide niyang si Orly Guteza dahil sa hindi pagdalo sa hearing ukol sa flood control anomaly nitong Lunes.

Sinabi ni panel chair Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na una munang ilalabas ang show cause order, alinsunod sa Supreme Court ruling, ang posibleng contemp at paghain ng warrant of arrest kung hindi satisfactory ang paliwanag.

Sa kasalukuyan ay hindi pa matukoy ang kinaroroonan ng dalawa. Una nang naiulat na si Co ay nasa Portugal, habang si Guteza ay nauugnay sa Marine custody.