Nakataas na ang tropical cyclone signal no. 1 ang Davao Oriental bunsod ng bagyong “Querubin.”
Huling namataan ang binabantayang bagyong “QUERUBIN” sa layong 230 km East ng Davao City, o 205 East ng Tagum City, Davao del Norte.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 km/h malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 55 km/h.
Kumikilos ito sa direksyong North Northeastward sa bilis na 10 km/h.
Ngayong araw asahan ang mga ulan na may kasamang pabugsu-bugsong hangin sa bahagi ng Davao Oriental dahil sa epekto ng bagyong Querubin.
Habang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog naman ang mararanasan sa bahagi ng Eastern Visayas, Caraga, at nalalabing bahagi ng Davao Region.
Sa bahagi naman ng Bicol Region at Quezon ay asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ganundin sa nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao sanhi pa rin ng through ng bagyong Querubin.
Samantala, dito naman sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Aurora ay mararanasan ang maulap na kalangitan na may mga pag-ulan.