Nakataas na ang Wind Signal No. 3 sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon dahil sa Super Typhoon Nando.
Kabilang dito ang southern portion ng Batanes gaya ng Mahatao, Uyugan, Basco, Ivana, at Sabtang. Itinaas din ang Signal No. 3 sa Babuyan Islands at northeastern portion ng mainland Cagayan, partikular sa bayan ng Santa Ana.
Samantala, nasa Signal No. 2 naman ang natitirang bahagi ng Batanes at mainland Cagayan, gayundin ang northern at eastern portions ng Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, eastern portion ng Mountain Province, Ilocos Norte, at northern portion ng Ilocos Sur.
Huling namataan ang mata ng bagyo alas-4:00 ng hapon, 470 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan, at kumikilos pa-West Northwest sa bilis na 15 kph.
Pinapayuhan ang mga residente sa apektadong lugar na maghanda laban sa malalakas na hangin at pag-ulan na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.