Itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa ilang bahagi ng Luzon matapos lumakas at maging severe tropical storm ang bagyong Paolo sa loob ng Philippine Area of Responsibility, ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA.

Dakong alas-11 ng gabi nitong Huwebes, namataan ang sentro ni Paolo sa layong 320 kilometro silangan ng Baler, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 95 kilometro kada oras at bugso na umaabot sa 115 kilometro kada oras habang kumikilos pakanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.

Sakop ng Signal No. 3 ang

  • Hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran)Gitna at timog bahagi ng Isabela (Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Echague, Jones, San Agustin, Cordon, Santiago City, Ramon, San Isidro, Alicia, Angadanan, Cauayan City, Benito Soliven, Naguilian, Luna, Reina Mercedes, Cabatuan, San Mateo, Aurora, San Manuel, Burgos, Gamu, Roxas, Palanan)
  • Hilagang bahagi ng Quirino (Maddela, Cabarroguis, Aglipay, Saguday, Diffun)
  • Hilagang bahagi ng Nueva Vizcaya (Diadi, Bagabag, Villaverde, Ambaguio, Quezon, Solano, Bayombong)
  • Mountain Province
  • Ifugao
  • Hilagang bahagi ng Benguet (Mankayan, Buguias, Kabayan, Bakun)

Signal No. 2:

-- ADVERTISEMENT --
  • Timog bahagi ng mainland Cagayan (Peñablanca, Tuguegarao City, Enrile, Solana, Iguig, Tuao, Piat, Rizal)
  • Nalalabing bahagi ng Isabela
  • Nalalabing bahagi ng Quirino
  • Nlalabing bahagi ng Nueva Vizcaya
  • Gitna at hilagang bahagi ng Aurora (Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora)
  • Hilagang-silangang bahagi ng Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan)
  • Timog bahagi ng Apayao (Conner)
  • Kalinga
  • Abra
  • Nalalabing bahagi ng Benguet
  • Timog bahagi ng Ilocos Norte (Nueva Era, Badoc, Pinili, Batac City, Paoay, Currimao, Banna)
  • Ilocos Sur
  • La Union

Signal No. 1:

  • Nalalabing bahagi ng mainland Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
  • Nalalabing bahagi ng Aurora
  • Hilagang bahagi ng Quezon (General Nakar, Infanta) kabilang ang Polillo Islands
  • Camarines Norte
  • Hilagang bahagi ng Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan, Goa, San Jose, Presentacion)
  • Catanduanes
  • Nalalabing bahagi ng Apayao
  • Nalalabing bahagi ng Ilocos Norte
  • Pangasinan
  • Nalalabing bahagi ng Nueva Ecija
  • Hilagang bahagi ng Bulacan (Doña Remedios Trinidad, San Miguel, San Ildefonso, Norzagaray, San Rafael)
  • Tarlac
  • Hilagang-silangang bahagi ng Pampanga (Magalang, Arayat, Candaba, Mabalacat City)
  • Hilagang bahagi ng Zambales (Palauig, Masinloc, Candelaria, Sta. Cruz)

Inaasahan na tatama sa kalupaan ng Isabela o hilagang Aurora si Paolo ngayong umaga ng Biyernes, Oktubre 3.

Inaasahang lalakas pa ito paglabas sa West Philippine Sea at posibleng makalabas ng PAR sa Sabado ng umaga, Oktubre 4.

Nagbabala rin ang PAGASA na may banta ng delubyong storm surge na aabot mula isa hanggang tatlong metro ang taas sa mga mababang baybayin ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Cagayan, Isabela, Aurora, at Quezon sa loob ng susunod na 36 oras.