
Bahagyang lumakas ang Tropical Storm Fung-Wong habang kumikilos ito pa-Nothwestward malapit sa Yap, Micronesia.
Ang sentro ni Fung-Wong ay nasa 1,690 km East ng Northeastern Mindanao sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 km/h malapit sa gina, at pagbugso na hanggang 90 km/h.
Kumikilos ito ng pa-northwestward sa bilis na 10 km/h.
Patuloy ang pagkilos ng tropical cyclone pa-northwestward ngayong araw, at patungong west northwestward sa panahon ng forecast period.
Batay sa track forecast, tinatayang papasok ito ng PAR bukas ng gabi o umaga ng Sabado.
Sa sandaling pumasok ito ng PAT, tatawagin itong “UWAN.”
Malaki ang tsansa ng bagyo na mag-landfall sa Lunes, November 10 sa Northern o Central Luzon.
Tinataya na mabilis itong lumakas at mabuo bilang typhoon category bukas at super typhoon category sa Sabado.
Posibleng maglabas ng wind signals sa eastern portion ng Luzon o ilang bahagi ng Samar provinces bukas ng gabi o umaga ng Sabado bilang paghahanda sa malakas na hangin.
Ang pinakamataas na Wind Signal para sa kasalukuyang forecast scenario ay Wind Signal No. 5.
Dahil dito, asahan ang masungit na panahon sa Northern Luzon at ilang bahagi ng Central Luzon sa Lunes at Martes.
May potensiyal din ng mataas na storm surge at mga pagbaha, lalo na sa Northern Luzon at sa east coast ng Central Luzon.
Posibleng maagang maglalabas ng storm surge warnings sa Sabado.










