Nanumpa at lumagda ng undertaking sa “No Take Policy” sa lahat ng mga iligal na gawain ang mga miyembro ng pulisya sa lalawigan ng Cagayan.

Pinangunahan ni PCOL Ariel Quilang ang naturang aktibidad na nilahukan ng mga local chief of police sa lalawigan.

Sinabi ni Quilang na seryoso ang PNP at wala silang sasantuhin sa sinumang mahuhuli partikular ang pagtanggap ng pera mula sa illegal number games, illegal drugs at mga negosyante.

Babala ng opisyal na mananagot sa kasong administratibo ang sinumang lalabag sa kanilang “no take policy”