Binaha ang sikat na strawberry farm sa La Trinidad, Benguet dahil sa epekto ng Tropical Storm Emong.

Nagmistulang lawa ang nasabing farm dahil sa tubig-baha sa lugar bunsod ng malalakas na ulan.

Ayon sa isang magsasaka, bigla umanong umapaw ang tubig.

Dahil dito, nasira na ang kanilang mga pananim na strawberry.

Humupa ang tubig-baha kahapon ng umaga.

-- ADVERTISEMENT --

Isinailalim sa signal no 2 at 3 ang maraming lugar sa Benguet sa pananalasa ng bagyong Emong.

Marami ring tourist spots sa Benguet ang pansamantalang isinara ng Department of Tourism kahapon dahil sa impact ng masamang panahon.

Bukod sa mga strawberry, marami pang gulay tulad ng lettuce ang nasira dahil sa pagbaha.

Isinisisi ng ilang magsasaka ang pagbaha sa hindi magandang drainage system na papunta sa Bolo Creek.

Kinilala naman ni Mayor Roderick Awingan ang nasabing issue at nangako na magsasagawa ng inspeksion.

Ayon sa kanya, landslide-prone ang nasabing lugar, at may maraming naiulat na kaso ng soil erosion at minor landslides.

Hinihikayat naman ng Provincial Agriculture Office ang mga naapektohang mga magsasaka na i-report ang napinsala na mga pananim sa kanilang mga barangay.