Apektado ng buntot ng Low Pressure Area (LPA) ang ilang lugar sa bansa.
Ayon sa PAGASA, apektado ng LPA ang bahagi ng Northern at Central Luzon.
Makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa bahagi ng Cagayan, Isabela, Aurora, at Quezon.
May mga pag-ulan din sa bahagi ng Zamboanga Peninsula, BARMM, Sultan Kudarat, Sarangani, at Palawan.
Maaapektuhan din ng bahagyang maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers sa bahagi ng Eastern Visayas at Bicol Region.
-- ADVERTISEMENT --
Samantala, localized thunderstorms naman ang nakakaapekto sa Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa,
Paalala ng PAGASA, maging alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nabanggit na lugar.