Iginiit ni Interior Sec. Jonvic Remulla na malaki na umano ang posibilidad na maaresto si Senator Bato dela Rosa.

Gayunman, hindi na nagbigay ng detalye si Remulla kung bakit lumalaki ang posibilidad ng pag-aresto sa senador.

Si dela Rosa ay subject ng arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) na kinikilala ng Department of Justice kahit umalis na ang Pilipinas sa ICC noong 2019.

Tumanggi rin si Remulla na sabihin kung sino ang posibleng kumukupkop kay dela Rosa, dahil maaari umanong malagay sa alanganin ang kanilang operasyon.

Hindi rin niya ibinunyag kung ilang baril na ang isinuko ng kampo ng senador.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, ipinaliwanag ni Remulla ang dati niyang pahayag na maaaring magkaroon ng “body bags” sa operasyon laban kay dela Rosa.

Aniya, maaari itong mangahulugan ng maraming mamamatay kung magiging full operation ang pag-aresto.