TUGUEGARAO CITY – Hinamon ng Simbahang Katoliko ang bawat kandidato na panahon na para iangat ang uri ng kanilang pangangampanya.

Sa panayam ng Bombo Radyo, nanawagan si Father Gary Agcaoili ng Archdiocese of Tuguegarao sa mga kandidato na iwasan ang batikos at siraan sa mga katunggali.

Kasabay nito, inihayag ni Fr. Agcaoili na mas makabubuting bigyan ng impormasyon ang publiko na malaman ang kanilang plataporma at mga programa sakali mang mahalal sa susunod na eleksyon.

Mungkahi pa ni Fr. Agcaoili, sa halip na magpasaring at magsisihan ay ilatag na lamang ng mga kan didato ang kanilang plataporma na nakapokus sa mga batayang usapin sa komunidad tulad ng social issues, peace and order concerns, economic concerns at iba pa.

Tinig ni Fr. Gary Agcaoili ng Archdiocese of Tuguegarao

Kasunod nito ay pinaalalahanan ni Fr. Agcaoili ang mga botante na pag-aralan at piliin ang karapat-dapat na mga lider na dapat iboto.

-- ADVERTISEMENT --

Mahalaga aniyang suriing mabuti ng mga botante ang kakayahan ng kanilang mga pipiliing opisyal na mamumuno sa kanilang komunidad.

Pinayuhan din ni Fr Agcaoili ang mga botante na gumawa ng listahan ng mga iboboto sa buwan ng Mayo.