TUGUEGARAO CITY- Nakapagbigay na ang simbahang katolika ng halos P1-m para sa mga naapektuhan ng lindol sa Itbayat, Batanes.
Ayon sa kanya, mula sa iba’t ibang parokya ang nasabing halaga na idineposito sa bank account ng Prelature of Batanes.
Sinabi ni Ging Rey Henderson, National Secretariat for Social Action ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na bahagi ito ng kanilang obligasyon na makatulong sa mga biktima ng anumang kalamidad o sakuna.
Ayon sa kanya, target nilang makalikom ng P1.5-m na gagamitin sa rehabilitation ng mga nasirang heritage sites tulad ng mga lumang simbahan sa Itbayat.