
Muling bubuksan sa publiko ang Malacañang simula bukas para sa pagdaraos ng Simbang Gabi.
Alas-4:00 nang madaling araw bubuksan ang Kalayaan Grounds para sa misa bilang bahagi ng taunang programang “Tara sa Palasyo 2025.”
Pagkatapos ng Simbang Gabi, magbibigay ng libreng almusal para sa mga dadalo ng misa tulad ng puto bumbong, bibingka, fishball, kikiam, mainit na kape at iba pa.
Bukod sa misa, may iba pang aktibidad hanggang Disyembre 23.
Kabilang dito ang carnival rides na bukas mula alas-6 ng gabi hanggang alas-11 ng gabi.
-- ADVERTISEMENT --
Magkakaroon din ng movie night na gaganapin mula alas-8 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi.










