Nakatakdang magsampa ng reklamo sa Ombudsman ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na grave misconduct o violation of the code of conduct and ethical standards, na isang administrative case laban sa mga opisyal ng Tariff Commission.
Sinabi ni SINAG Chairman Rosendo So, isinasapinal na nila ang nasabing reklamo bunsod ng pag-apruba sa Executive Order 62 na nagbigay daan para mapababa ang taripa sa imported na bigas sa 15 percent mula sa 35 percent.
Idinagpag pa ni So na plano din nilang maghain ng kasong graft and corruption laban sa mga opisyal ng komisyon dahil sa kabiguan ng mga ito na sundin o ipatupad ang kanilang tungkulin sa ilalim ng batas.
Binigyan diin ni So na hindi dumaan sa legal process ang pag-apruba sa EO dahil hindi dumaan sa konsultasyon.