Binitay ng Singapore kahapon ang isang lalaki na 55 years old dahil sa drug trafficking, kung saan ito ang ikatlong pagbitay sa loob ng isang linggo kasabay ng panawagan ng United Nations na huwag isagawa ang execution.
Una rito, binigyang-diin ng UN at rights groups na walang patunay na may deterrent effect ang capital punishment at nanawagan ito na buwagin na ang nasabing parusa..
Subalit, iginiit naman ng mga opisyal ng Singapore na nakatulong ang parusang bitay para mapanatili na pinakaligtas na lugar sa Asia ang kanilang bansa.
Ayon sa Central Narcotics Bureau (CNB), ang death sentence ay isinagawa kay Rosman Abdullah, hinatulan dahil sa pagpuslit ng 57.43 grams ng heroin.
Sa ilalim ng mahigpit na batas ng Singapore, ipapataw ang death penalty sa sinumang magdadala ng droga na mahigit 15 grams.
Ang pagbitin sa Changi prison ay kasunod ng pagbitay noong November 15 ng isang Malaysian at Singaporean dahil din sa drug trafficking.
Pinagtibay ang death penalty sa Singapore noong Marcg 2022, kung saan 24 na ang binitay, ang 23 ay dahil sa drug trafficking at ang isa ay murder.