Hinuli si pop star Justin Timberlake dahil sa hinalang lasing siya habang nagmamaneho sa isang bayan sa New York City.

Dahil dito, natulog siya ng magdamag sa kulungan bago ang kanyang arraignment at pinalabas.

Sinabi ng the prosecutor’s office sa Suffolk County na hinuli si Timberlake, 43 years old sa Sag Harbor.

Ayon sa Sag Harbor police, pinara si Timberlake kahapon ng madaling araw matapos na hindi siya tumigil sa stop sign at lumihis siya sa kabilang bahagi ng linya.

Bumagsak si Timberlake sa lahat ng standard standard field sobriety tests.

-- ADVERTISEMENT --

Batay sa court documents, sinabi ni Timberlake sa mga pulis na humuli sa kanya na isang baso lang ng martini ang kanyang ininom at sinusundan umano niya ang kanyang kaibigan.

Muling haharap sa korte si Timberlake sa JUly 26.

Sumikat si Timberlake bilang miyembro ng boy band NSYNC bago ang kanyang solo career hanggang sa pinasok niya ang acting.

Nanalo siya ng 10 Grammy awards at apat na four Emmy awards.

Siya ay kasal kay actress Jessica Biel at mayroon silang dalawang anak na lalaki.