Balik showbiz na ang singer-actor na si James Reid matapos ianunsiyo nito k

Inanunsyo ng singer-actor na si James Reid ang kanyang muling pagbabalik sa Showbiz matapos na dumalo sa 7th Eddys o Entertianment Editors’ Choice kamakailan.

Aniya, matapos maging busy sa kanyang pagkanta ay plano na talaga nitong bumalik sa pag arte at kasabay nito ay may bago rin itong movie project.

Maalala na ilang taon rin ang nakalipas bago bumalik sa pag arte ang aktor dahil nakatuon lamang ito sa paggawa ng mga kanta.

Idinagdag pa ng actor na masaya ito kung nasaan man siya ngayon at excited na sa mga susunod na mangyayari sa kanyang karera.

-- ADVERTISEMENT --