Inaresto ang singer na si Britney Spears noong gabi ng Miyerkoles sa Ventura County, California, dahil sa hinalang driving under the influence.

Ito ang kinumpirma ng California Highway Patrol.

Noong 2007, kinasuhan si Spears ng isang bilang ng hit and run na nagdulot ng pagkasira ng ari-arian at isang bilang ng pagmamaneho na walang valid driver’s license.

Nabawi ni Spears ang kontrol sa kanyang personal na buhay at sa kanyang pera noong 2021 nang tinapos ng judge ang 13-year conservatorship.

Ilang buwan din na umapela si Spears na tapusin na ang conservatorship na namahala sa kanyang buhay at $60 million estate buhat noong 2008.

-- ADVERTISEMENT --

Ang kanyang ama na si Jamie Spears ang nagtakda ng conservatorship, matapos na magkaroon ng public breakdown ang singer noong 2007 at naospital dahil sa hindi tinukoy na mental health issues.

Pinalabas din siya ng madaling araw kahapon at nakatakdang humarap ang singer sa Ventura County Superior sa May 4.