Inanunsiyo ng “Girls Just Want to Have Fun” and “Time After Time” singer na si Cyndi Lauper ang kanyang farewell tour.

Sa kanyang unang major tour sa loob ng mahigit isang dekada at ang kanyang huli, isasagawa ng singer na mula sa Brooklyn, USA ang kanyang concerts sa 23 cities sa North America mula October 18 hanggang December 5.

Sisimulan ni Lauper na nakilala rin sa kanyang mga kanta na “True Colors” at “All Through the Night,” at two-time Grammy winner ang kanyang concert tour sa Bell Centre sa Montreal, Canada.

Susunod ay sa Madison Square Garden sa New York sa October 30, at ang huli ay sa United Center sa Chicago, Illinois.

Kasama ni Lauper sa kanyang concert tour ang ilang guests na ipapakilala sa susunod na mga buwan.

-- ADVERTISEMENT --