
Nagbabala ang League of Freight Forwarders sa mga OFW sa Middle East na tataas ang bayarin sa pagpapadala ng balikbayan boxes dahil sa War Risk Surcharge (WRS) na ipinapataw ng mga shipping company.
Ayon kay Rumelyn Aribon, walang cargo company ang exempted sa nasabing dagdag-singil kaya dapat mag-ingat sa mga nag-aalok ng mas mababang rate dahil maaaring hindi ma-clear ang shipment pagdating sa Pilipinas.
Umaabot sa humigit-kumulang $3,500 kada container ang WRS at nagdulot ito ng 15 hanggang 20 porsyentong pagtaas sa singil. Ilan sa mga kargamento ay pansamantalang iniimbak sa Dubai habang hinihintay ang pagluwag ng sitwasyon sa Strait of Hormuz.
Nakipag-ugnayan na rin si Aribon kay Alfonso Ver upang tugunan ang isyu, na ayon sa embahada ay naiparating na sa mga kinauukulang ahensya para sa kaukulang aksyon.










