Inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang malaking pagbaba sa kanilang transmission charges.
Ayon kay Julius Ryan Datinggaling, pinuno ng Revenue Management ng NGCP, bumaba ng 43.36 centavos o 28.45% ang kabuuang transmission rate — mula P1.5240 naging P1.0904 kada kilowatt-hour (kWh).
Paliwanag ng NGCP, bumaba ang singil dahil sa mas malamig na panahon na nagdulot ng mas mababang demand sa kuryente.
Mula sa dating P0.5505 kada kWh, naging P0.4605 na lang ang wheeling rate o ang bayad sa paghahatid ng kuryente.
Samantala, ang ancillary services rate naman ay bumagsak ng 36.07% — mula P0.809 naging P0.5175 kada kWh.
-- ADVERTISEMENT --