Muling napabilang ang sinigang sa listahan ng 100 Best Dishes in the World ng TasteAtlas para sa 2024, kung saan nasa 41st ranking at nakakuha ng 4.5 mula sa 5 rating.
Ito ay malaking pag-angat mula sa dating 97th ranking nito sa listahan nitong nakalipas na taon.
Ayon sa TasteAtlas, akmang-akma ang nasabing ulam sa init ng panahon sa bansa.
Inilarawan din ng website ang sinigang na “a unique soup that is a true representative of Filipino cuisine.”
Nanguna sa 100 Best Dishes in the World 2024 ang Lechona ng Colombia na may 4.78 stars na sinundan ng Pizza Napoletana ng Italy na may nakuhang 4.75 rating.
Una rito, kinilala ang sinigang na isa sa Best Filipino foods at kabilang sa world’s best soup.
Ang TasteAtlas ay isang international online publication na nilalakbay ang mundo sa pamamagitan ng local food.
Ang mga ulam na kasama sa listahan ay nakatanggap ng pinakamataas na ratings base sa mahigit 367,947 user ratings.