
Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang matibay na pagbabantay sa sitwasyon ng mga Pilipino na apektado ng pag-crackdown sa illegal aliens ng administrasyon ni US President Donald Trump.
Ayon kay DFA spokesperson Angelica Escalona, nananatiling aktibo ang Philippine Embassy at Consulate General sa Washington sa pagtulong sa mga Filipino immigrants na naka-detain sa Immigration and Enforcement (ICE) facilities.
Sinisiguro rin umano ng pamahalaan ang kapakanan, kalagayan, at maayos na pagtrato sa mga ito.
Dagdag pa ni Escalona, hindi nawawala ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga otoridad ng Amerika upang matiyak na ang karapatan ng mga Pilipino ay naigagalang.










