TUGUEGARAO CITY- Dinala na sa isolation facilities ang pitong kawani at security personnel ng Bangko Sentral ng Pilipinas- Tuguegarao Branch na nagpositibo sa covid-19 kahapon.
Sinabi ni Dr. Carlos Cortina ng Provincial Health Office sa siyam, pito ay mula sa Tuguegarao, isa mula sa bayan ng Enrile at isa sa PeƱablanca.
Ayon kay Dr. Cortina, nagsasagawa na sila ng contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng mga nasabing panibagong kaso ng covid-19 sa Cagayan.
Sinabi ni Cortina na bahagi ng work compliance ang pagsasailalim sa swab test sa mga kawani ng BSP na itinuturing na APOR.
Sa kabila nito, bukas pa rin at tuloy ang operasyon ng BSP ngayong araw na ito.
-- ADVERTISEMENT --