Isinailalim sa restrictive custody ang dalawang Special Action Force (SAF) troopers kasama ang kanilang pitong superiors na isinangkot sa unauthorized escort services sa Chinese nationals.
Sinabi ni Fajardo na isasailalim ang mga ito sa preliminary investigation sa kasong alarm and scandal matapos na masangkot sila sa gulo sa umano’y bahay ng isang Chinese national, na sinasabing opisyal ng Philippine offshore gaming operator (POGO) firm sa Ayala Alabang village.
Dinala ang police officers sa SAF headquarters sa Fort Sto. Domingo in Sta. Rosa City, Laguna.
Tumatanggap umano ang SAF troopers ng P40, 000 kada buwan na sahod bilang POGO bodyguards, at ang kalahati ay napupunta umano sa kanilang superior sa SAF.