TUGUEGARAO CITY-Hinikayat ng Sanguniang Kabataan Federation President ng Cagayan ang mga kabataan sa lalawigan na labanan ang illegal na droga.
Ayon kay Engr. Kevin Timbas, ex-officio board member, alam ng lahat ang masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot ngunit madami paring kabataan ang gumagamit ng illegal na droga.
Aniya, karamihan sa mga kabataan na nasasangkot sa illegal na droga ay nakakakuha ng pagiging komportable sa paggamit.
Dahil dito, hinikayat ni timbas ang mga kabataan na labanan ang paggamit at pagkalat ng illegal na droga.
Ang malalang pagkakasangkot aniya ng illegal na droga ay daan din sa terorismo sa bansa.
-- ADVERTISEMENT --
Nabatid na umaabot sa 100 na mga kabataan ang nasasangkot sa illegal na droga sa Rehiyon dos.