Barangay Chairman Orlino Gannaban

Posibleng ilalabas na bukas ng binuong Special Investigation Task Group (SITG) ang composite facial scketch ng suspek sa pagpatay kay kay Brgy. Chairman Orlino Gannaban ng Brgy. Lallayug sa Bayan ng Tuao, Cagayan.

Ayon kay Pol. Capt Sharon Mallillin, tagapagsalita ng Cagayan PNP na ang binubuong composite facial scketch ay batay sa salaysay ng dalawang witness na hawak ng pulisya na pagtutugmain sa mga nakuhang CCTV footages.

Sa ngayon ay wala pang malinaw na motibo sa pamamaril ng nakamotorsiklong suspek na ikinasawi ng 59-anyos na punong Barangay at pagkakasugat ng kanyang tanod na si Espidio Zingapo, 69-anyos.

Nagpapagaling pa sa pagamutan si Zingapo dahil sa tinamong tama ng bala sa dibdib at hindi pa makausap ng mga imbestigador.