Kinasuhan ng Federal prosecutors ang voting technology firm na Smartmatic ng money laundering at iba pang krimen na nag-ugat sa mahihit $1 million na suhol na ibinigay ng maraming executives ng kumpanya sa election officials ng bansa.
Batay sa nakasaad sa sakdal na inihain kahapon sa Miami federal court, ang bayad sa pagitan ng 2015 at 2018, ay ginawa para makakuha ng kontrata sa bansa ang kumpanya para sa 2016 presidential election at matiyak na matanggap ang bayad sa kanilang trabaho.
Una nang kinasuhan ang tatlong dating executives ng Smartmatic, kabilang si co-founder Roger Pinate noong 2024 subalit sa nasabing panahon ay hindi pinangalanan na defendant ang Smartmatic.
Ang CEO ng Smartmatic ay si Antonio Mugica.
Lumitaw ang nasabing criminal case habang isinusulong ng kumpanya ang $7.2 billion lawsuit na nag-aakusa sa Fox News ng defamation dahil sa pagsasahimpapawid ng balita na tumulong ang kumpanya para dayain ang 2020 U.S. presidential election.