Inanunsyo ni Department of Energy (DOE) Secretary Sharon Garin na mula sa 17,904 MW na mga na-terminate na kontrata noong 2024 hanggang 2025, 11,427 MW dito ay mga solar projects mula sa Solar Philippines.

Ang naturang firm ay itinayo ng businessman at politikong si Cong. Leandro Leviste.

Ang termination na ito ay kaugnay pa rin ng umano’y kabiguan nitong sumunod sa mga contractual obligations.

Dahil dito, mahaharap sa P24-B na multa at financial obligations ang Solar Philippines.

Ayon kay Garin, ang nais nila ay mga “legitimate” investors kaya nililinis na nila ito.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, hindi pa naman daw nakatatanggap ng petisyon ang DOE mula sa Solar Philippines para hamunin ang naging findings ng ahensya.

Paliwanag ng kalihim, wala pa silang natatanggap na tugon mula sa naturang firm sa kabila ng tuloy-tuloy nilang attempt na kausapin ang kabilang kampo.