Nagsimula na ang mga awtoridad ng South Korea na ibalik sa mga pamilya ang mga labi ng mga biktima ng plane crash noong Martes, habang ang mga imbestigador ay patuloy parin na inaalam ang dahilan ng pagbagsak ng Jeju Air Boeing 737-800 na nagdulot ng pagsabog nito.
Dumating sa lugar ng insidente sa timog-kanlurang Muan ang mga imbestigador mula sa Estados Unidos, kabilang ang mga mula sa Boeing, ayon sa mga awtoridad, habang nagsimula nang suriin ng mga awtoridad ng South Korea ang dalawang black box na nakuha mula sa nasunog na eroplano.
Ang eroplano ay may sakay na 181 katao mula Thailand patungong South Korea nang magbigay ito ng mayday call at mag-landing nang patag bago bumangga sa isang harang at magliyab.
Lahat ng sakay sa Jeju Air Flight 2216 ay nasawi, maliban sa dalawang flight attendants na nailigtas mula sa pagsabog.
Ayon kay Acting President Choi Sang-mok, na nagsimula lamang sa kanyang tungkulin noong Biyernes, ang aksidenteng ito ay isang “turning point” para sa bansa, at nanawagan siya ng isang kumpletong pagbabago sa mga sistema ng kaligtasan ng eroplano.
Inaatasan niya ang mga opisyal na masusing suriin muli ang kabuuang sistema ng operasyon ng mga eroplano at agad na tugunan ang mga kinakailangang pagbabago.