Pumanaw ang South Korean actress na si Kim Sae-ron sa edad na 24.

Natagpuan na wala nang buhay ang dating child actress sa kanyang tahanan kahapon.

Pumunta ang isang kaibigan ni Kim sa kanyang bahay matapos na hindi siya makadalo sa kanyang appointment, at nadiskubre niya na patay na ang aktres.

Batay sa paunang pagsisiyat, walang foul play sa pagkamatay ng aktres, subalit iniimbetigahan pa rin ng mga awtoridad ang mga insidente bago ang kanyang pagkamatay.

Ipinanganak si Kim noong July 31, 2000 sa Seoul, South Korea, at pumasok siya sa entertainment industry sa edad na siyam.

-- ADVERTISEMENT --

Naging child star siya kasunod ng tagumpay ng kanyang mga pelikula na A Brand New Life at The Man From Nowhere na inilabas noong 2009 at 2010.

Naging bida si Kim sa mga pelikulang I Am Dad, Listen to My Heart, at ang award-winning drama Barbie.