Sinimulan na ng South Korean police ang imbestigasyon kay President Yoon Suk Yeol dahil sa alegasyon ng “insurrection” kaugnay sa kanyang deklarasyon ng martial law na agad din niyang binawi.

Sinabi ni Woo Jong-soo, head ng National Investigation Headquarters ng National Police Agency sa mga lawmakers na may inatasan na siya na magsagawa ng imbestigasyon.

Agad na binaliktad ng mga mambabatas ng South Korea ang idineklarang martial law ni Yoon, subalit nagresulta ito sa kaguluhan at ikinaalarma ng mga kaalyadong bansa.

Sa ngayon ay hindi na tiyak kung ano ang magiging kapalaran ni Yoon, isang conservative politician at dating sikat na public prosecutor na inihalal noong 2022.

Kaugnay nito, binigyang-diin ng parliament sa nasabing bansa na isang malinaw na paglabag sa Konstitusyon ang deklarasyon ni Yoon at layunin nito na takasan ang imbestigasyon sa mga alegasyon ng illegal acts na kinasasangkutan niya at ng kanyang pamilya.

-- ADVERTISEMENT --