Humingi ng paumanhin si South Korean President Yoon Suk Yeol sa kanyang unang pagharap sa publiko buhat nang bawiin niya ang idineklara niyang martial law na nagbunsod ng kaguluhan sa kanilang bansa at marami ang nananawagan sa kanyang impeachment.

Sinabi ni Yoon na ang emergency martial law declaration ay nag-ugat sa kanyang desperasyon bilang ultimate responsible party para sa state affairs.

Ayon sa kanya, lubos siyang humihingi ng paumanhin sa mga mamamayan ng kanilang bansa na nagulat sa kanyang naging hakbang.

Inaasahan na mahaharap si Yoon sa impeachment vote sa parliament ngayong araw na ito.

Sinabi ni Yoon na haharapin niya ang legal at political responsibility kaugnay sa martial law declaration.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, ipinauubaya na niya sa kanyang partido kung ano ang kanilang gagawing hakbang upang maibalik ang katatagan ng pulitika sa kanilang bansa, kabilang ang nalalabi sa kanyang termino na hanggang 2027.

Muling inulit ni Yoon ang kanyang paghingi ng paumanhin sa mga hindi magandang ibinunga ng kanyang ginawa sa mga mamamayan ng South Korea.