Binawi na ni South Korean President Yoon Suk Yeol ang pagpapatupad nito ng Martial law.
Ang nasabing pagbawi ay kasunod ng pagpasa ng mosyon ng South Korean parliament sa isinagawang National Assembly na humihiling ng pagtanggal ng nasabing Martial Law.
Sinabi ni Yoon na tutugon ito sa nasabing desisyon ng mga mambabatas kaya agad na inatasan niya ang mga military na bumalik na sa kanilang kampo.
Epektibo alas 4:30 AM ngayong madaling araw ng Miyerkules nang natanggal na ang Martial Law sa pamamagitan ng pulong ng State Council o gabinete matapos aprubahan ang resolusyon.
Kasunod nito ay anawagan din ang Pangulo sa National Assembly na itigil na nila ang walang kuwentang hakbang gaya ng makailang ulit na panawagan ng impeachment, legislative manipulations at budget manipulation na sisira sa mga galaw ng estado.