Niyanig ng isang malakas na lindol ang Southern Mindanao nitong Linggo ng madaling araw, ayon sa Philippine Institute for Volcanology and Seismology.
Magnitude 5.9 na lindol ang tumama sa Palimbang, Sultan Kudarat alas-12:11 ng madaling araw, Abril 20.
Naramdaman ang pagyanig bilang Intensity IV sa Kiamba, Sarangani at Kalamansig,Sultan Kudarat.
Samantala, Intensity III naman sa Maitum, Saranggani, Surallah, Lake Sebu, Santo Niño at T’Boli, South Cotabato.
Ayon sa Phivolcs ito ay malakas at mararamdaman ng karamihan ng mga tao ito man ay indoor o outdoor.
-- ADVERTISEMENT --