Nanumpa na si Senate President Chiz Escudero kagabi bilang presiding officer sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Makalipas ang higit apat na oras at makailang suspensyon ay nagkasundo rin ang mga senador na papanumpain si Escudero na siyang mangunguna sa impeachment proceedings laban sa bise presidente.

Iminosyon ni Senator Joel Villanueva ang panunumpa ni Escudero sa harap ni Senate Secretary Renato Bantug Jr.

Samantala, mamayang hapon naman sa sesyon nakatakdang manumpa ang mga senador bilang senator judges.

Nilinaw ni Villanueva na nag-constitute lamang sila bilang impeachment court at ang pag-co-convene dito ay sa June 11 pa nila gagawin.

-- ADVERTISEMENT --

Bago ito ay ini-refer na rin sa Senate Committee on Rules ang verified impeachment case laban kay VP Sara.