Binigyang-diin ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson sa kanyang post sa social media na nanatiling Pilipino ang isang Pilipino kahit anuman ang maging anyo nito.

Ani Lacson, ang Pilipino ay Pilipino pa rin kahit na kumulubot na ang balat nito, mabawasan ang ngipin o di kaya ay malagas na ang buhok.

Dagdag pa niya, hindi rin daw makaapekto rito ang pagpapa-botox, pagpapapustiso at maging pagsusuot ng peluka.

Kasunod nito, iginiit niya na bilang Pilipino ay dapat lang na ipagpatuloy ang pagmamahal, pagtataguyod at maging pagtatanggol sa bansang Pilipinas.

Ang pahayag ng naturang senador ay sinang-ayunan naman ni PCG Rear Admiral, Spokesperson for the WPS Commodore Jay Tarriela.

-- ADVERTISEMENT --

Ani Tarriela, okay lang na hindi totoo ang ngipin, kutis at buhok ang mahalaga ay tinitindigan ang West Philippine Sea.

Samantala, ang sinuman daw na Pilipinong pinagduduhan ang legal na batayan sa WPS ay mas masahol pa sa hayop.