Kinumpirma ni Senate President Tito Sotto na may natanggap siyang impormasyon ngayong weekend na mayroong ginagawang plano para mapatalsik siya sa pwesto bilang tagapamuno ng Senado.

Kwento niya, base sa detalyeng narinig niya, mayroon umanong kumakausap o nanliligaw sa ilang senador.

Sa kabila ng umuugong na balitang ito, tiniyak ni Lacson na nanatili siyang kumpiyansa sa kanyang pwesto.

Samantala, ipinapaubaya naman daw niya sa desisyon ng kanyang mga kasamahang senador ang tungkol sa pananatili niya sa pwesto.

-- ADVERTISEMENT --