Nagdulot ng tensyon ang isang insidente ng pambobomba sa isang health spa sa Scout Chuatoco, Quezon City pasado ala-1 ng hapon ngayong araw.
Batay sa CCTV footage na nakuha ng Quezon City Police District (QCPD), isang riding-in-tandem ang namataan kung saan isa sa mga suspek ang naghagis umano ng granada sa harap ng establisyemento.
Tumama ito sa dalawang motorsiklong nakaparada, na agad namang nagliyab.
Sa kabutihang palad, walang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente at agad ring naapula ang apoy.
Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng QCPD upang tukuyin ang motibo at mga suspek sa likod ng karahasan.
-- ADVERTISEMENT --