Ipinahayag ni Prime Minister Pedro Sanchez ng Spain na ipagbabawal ang access sa social media para sa mga menor de edad na wala pang 16 anyos, at kinakailangang magpatupad ng age verification systems ang mga platform.

Layunin ng hakbang na protektahan ang kabataan laban sa hate speech, pornograpiya, disinformation, at iba pang negatibong epekto ng social media.

Magpapasa rin ang pamahalaan ng bagong batas upang panagutin ang mga social media executives sa ilegal na nilalaman, manipulasyon ng algorithm, at pagpapalaganap ng ilegal na impormasyon.

Susuriin din ng mga prosecutor ang posibleng paglabag ng mga platform tulad ng Grok, TikTok, at Instagram.

Ang Spain ay sumunod sa hakbang ng Australia, na naging unang bansa na nagbawal sa social media para sa mga bata sa parehong edad.

-- ADVERTISEMENT --