Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi makakaligtas ang kanyang kamag-anak na si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at kanyang mga kaalyado sa Kongreso sa independent investigation sa flood control at iba pang infrastructure project sa nakalipas na isang dekada.
Una rito, sinabi ni Navotas Rep. Toby Tiangco, ang cousin-in-law ng pangulo na ang mga Romualdez at dating House Appropriations chairman Zaldy Co ang nasa likod ng bilyong-bilyong piso na halaga ng insertions na nagpondo sa infrastructure programs na pawang substandard o ghost projects.
Sinabi ng Pangulo na walang palalampasin ang binuong Independent Commission for Infrastructure sa kanilang gagawing imbestigasyon.
Ayon kay Marcos na walang maniniwala na walang kikilingan ang ICI kung hindi nito gagawin ang naitang na tungkulin.
Kasabay nito, sinabi ni Marcos na hindi siya makikialam sa trabaho ng ICI.
Binigyang-diin niya na kailangan na magpatupad ng pagbabago sa ating bansa.
Ang ICI ay binubuo nina dating Justice Andres Reyes, dating Public Works Secretary Rogelio Singson, SGV Country Managing Partner Rossana Fajardo at Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang special adviser.
Samantala, sinabi ni Marcos na kinikilala niya ang galit ng publiko dahil sa nasabing usapin.
Ayon sa kanya, kung hindi lang siya ang presidente, malamang ay kasama na siya sa mga nagpoprotesta laban sa mga maanolayang flood control projects.
Nanawagan pa siya sa mga ito na ipakita ang kanilang galit, subalit gawin ito sa payapang paraan.