Bukas si House Speaker Martin Romualdez na dinggin ang lahat ng isyung bumabalot sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Sinabi nitong may prosesong dapat sundin sa mga panawagan na magpatupad na ng total ban sa POGO.

Kailangan aniyang magsagawa ng hearings kung saan pakikinggan ang lahat ng stakeholders hinggil sa kanilang posisyon.

Dito rin umano matitimbang ng Kongreso ang pinakamagandang hakbang na dapat gawin laban sa POGO.

Gayunman, muling iginiit ng House Speaker na kapag may ginagawang ipinagbabawal sa batas ay agad silang huhulihin ng law enforcers.

-- ADVERTISEMENT --

Mababatid na nitong Pebrero ay naaprubahan na sa House Committee on Games and Amusement ang House Bill 5082 at House Resolution 1197 na layong i-ban ang POGO at ideklara ang operasyon nito na ilegal.

Kung maalala ilang mga Kongresista ang nais na tuluyan ng i ban sa bansa ang POGO dahil sa hindi maganda ang idinudulot nito dahil sa mga krimen na kinasasangkutan nito.