Inatake ng isang malaking python ang isang babae na 64 taong gulang habang naghuhugas ng mga pinggan sa kanilang bahay sa Samut Prakan, Thailand, at nakaligtas siya sa loob ng dalawang oras habang nakapulipot sa kanya ang ahas.
Kagagaling lang ng trabaho ni Arrom Arunroj bilang isang maid sa isang ospital ng mga bata sa Bangkok at naghuhugas siya ng mga pinggan sa likod ng kanilang bahay nang makaramdam siya ng biglang pananakit sa kanyang kanang hita.
Noong una, inakala niya na kinagat siya ng isa sa mga insekto na mula sa kagubatan na malapit sa kanilang bahay.
Subalit nang tignan niya, nakita niya ang isang malaking ahas na gumagapang sa kanyang paa.
Agad niyang dinakma ang ulo ng ahas at sinubukan na hilain ito mula sa kanyang paa, subalit malakas ang ahas.
Napatumba ng ahas ang babae, pumulupot siya sa kanyang katawan, at sinimulan na pigain siya hanggang sa mawalan ng hininga.
Hirap na sa paghinga ang babae habang nakapulipot sa kanya ang ahas, at hindi siya siya makasigaw para humingi ng tulong.
Subalit, nagawa niya na makapagsalita at masuwerte na narinig siya ng isa sa kanyang kapitbahay na agad na tumawag ng mga pulis.
Pumunta ang mga rescuers, sinira ang nakakandado na pintuan ng bahay at nakita ang babae sa sahig, pagod na pagod at namumulta na ang kanyang mukha.
Inabot ng 30 minuto bago natanggal ang ahas sa katawan ng babae na agad na dinala sa ospital.